Si Nicholas na Makulit.

Sunday, May 13, 2012
0 comments
Sobrang excited ako ma-meet sya kasi natutuwa ko sa mga kwento ni Nok. Nung Tuesday sinamahan ko si Nok sa SM para sa warranty ng HDD nya then nag-lunch lang kami and he bought me new itouch case. Nag-stay saglit sa Trinoma then umuwi na,


this. Thanks baby!

Pagdating sa kanila HiHello ke Ate Remy & Kuya Jabu & mano ke Tita. Si Nicholas palabas sya galing sa room nila nung nakita nya ko tumakbo sya papunta sa room ni Nok. Tawa sila ng tawa kasi di naman daw nahihiya 'yun. Pag nahihiya daw ibig sabihin daw crush nya yung girl sabi ng Mom nya. Hahaha. Nagtago sya kung san-san. Nung kinakausap ko sya nakasiksik sya sa sulok kasi si sya makaalis hinaharang ko kasi.  Nagtago sa ilalim ng table , sa c.r, sa room ni Tita at sa room nila. Nung tinutulungan ko magpaint ng kisame si Jean nasa room sila ng Daddy(Kuya Jabu) nya, naririnig ko nag-uusap sila sabi ni Kuya sakanya na makipaglaro nga daw sakin blah blah blah. Tapos pinalalabas nya ng room si Cholas nasa sala daw ako tulog, nung sumilip sya nakatakip pa yung kamay sa mukha nya sabay takbo pabalik sa Daddy nya sabi, "Gumagalaw sya e!". Hahahaha. Tawa ng tawa sila. Nung nasa room ako ni Niknok nakita ko sumisilip sya sa bintana sa kusina na kita yung room ni Nok kasi naka-open din yung bintana ni Nok. Kala nya kasi tulog ako kasi nakahiga ako, nung umupo ako sabi nya, "Gising na sya!".  Siguro 4pm nung dumating kami sa kanila tapos 5:30 na ata nung kinausap at nilapitan na nya ko. Hahaha.


Picture lang, ayaw pa kasi ko kausapin. -.-

 Ooops! Candid for him.

Para sa unang pciture namin ni Nicholas. He's playing with my itouch. Mejo shy pa sya kaya di ko mapa-smile.

Tinawag nya kami ni Nok pinapunta kami sa room nila. Kala naman namin kung anong meron, picture daw! =))



Kulit ng mag-Daddy! =))
Pagbalik namin sa room namin sumunod sya, nag-Goodnight sya sakin and ni-kiss and hug nya ko.



Time to sleep! :)




Gooodmorning Nicholas!


At dito na nagsimula ang pagkaadik ng batang 'to sa kapipicture. Parang ginawang games ang mga photo editor apps. sa itouch. Hahahaha.


Kuliiiiiiiiiiiiiiiiiit! Habang nagpipicture picture kami bigla syang tinawag ng Mom nya para  . . .


Magsulat. Hahaha
Nicholas: *nakasimangot na bumalik sa room*
Me: Oh, bakit?
N: Si Ping kasi! Pinagsusulat ako ABC!
M: Oh dali sulat ka na. Turuan kita.


Playtime with his Tito Niknok.






Eto na ang makukulit na picturessssssss! =))










Nakatulog sya. Ayan kasi! Tulog ng tulog. Napag-tripan ka tuloy ni Cholas. =))




Pati Mom and Dad nya pinaglaruan. Hahaha















hihi.




Nang magising si Nok . . .
 Nok: Grabe! Kanina pa kayo naglalaro ah? 
Cholas & Me: *Nagtinginan then laugh* 






With my babe!


Shot by: my babe.

Tampo sya samen. Galit sya ke Ate Remy & Kuya Jabu.
Ayaw kasi sya pasamahin samen kasi malikot/makulit daw. Punta kasi kami sa crossing may bibilin kami ni Nok. 


Nasa mood na sya ulit.


lol.









For our merienda. Plus nachos! =))
Prepared by Ate Remy. Hmmm. yummy!


After mag-merienda eto na naman po't nagkukulitan na naman kami. =))


;)




Playtime sa labas ng house. Masyadong mainit sa loob ng house kaya napatambay kami saglit sa labas. And umalis kasi Mom & Dad nya kami lang 3 sa bahay.


Ebidensya ng kakulitan nya! =))




Tinulungan nya ko maghugas ng pinggan. =)


Singkamas at sa sala naman kami tumambay . =))


 Ninja style! =))



Cholas and Tita Joana.


Pinilit ko sya maligo kasi sobrang pawis na pawis maghapon sya naglalaro. 'Pag si Nok nag-aaya sakanya ayaw nya. Nung ako nagsabi bigla nya ko hinawakan sa kamay tas inaya sa room nila para kumuha ng damit sya. Hehe. Sa labas lang daw ako kasi nasshy sya sakin. 


Nakaligo na kaya ayan na naman sya oh!


sonic na naman! =))




Ung sa first big picture  nakasimangot sya kasi natatalo sya sa nilaalro nya. Kaya naghanap ako ng apps.na maaliw sya pagnakita nya at di naman ako nabigo. Hahaha. Sya na nagpicture nung iba dyan! =))


He gave me this. Si Tito Nok nya ayaw nyang bigyan. Hahaha.




UUUUUUUS! =))


Ang gwapo mag-smile! =))




My baby! =)


Kisses from my Nicholas. :">




Ayan naka-smile lang. :))


Ang batang 3days and 2nights ko lang naksama pero nung umalis ako sobra kong namimiss. Hahaha. Anak sya ni Kuya Jabu kapatid ni Nok. Last April lang sila umuwi galing Alaska. 3months silang mag-stay dito sa Pinas pero di sya laging na kila Jean minsan andon sya sa side ng Mom nya. Sobrang makulit na bata pero okay lang natural naman sa mga bata 'yon. Takot sya sa pussycat and dog.Pag naggagames sya ayaw nyang natatalo sabi nga ni Jean nung minsan daw naglaro ng Mario binalibag daw yung controller nya. Hahaha. Buti naman at di nya naisip na ibalibag sa inis yung itouch ko nung paulit ulit syang natalo sa Sonic at kung ano-anong laro. Pag may kagalit sya or secret sya sakin nya sinasabi or kahit pa may gusto syang gawin ako lagi gustong isama. Oh db super close na agad? Si Tito Niknok nya kasi lagi sya pinapagalitan kasi makulit. Pero kami magkakampi pag pinapagalitan sya pinapagalitan ko naman si Nok. Hahaha. Bago sya mag-sleep lagi kinikiss and hug sya ko. And ask kung uuwi na ba ko. Wag muna daw ako uuwi. Hahaha. Ayaw nya ko pauwiin sabi ko nga di pede kasi kako mapapagalitan ako, sinabi ko nalang na babalik nalang ako. Ayun.


Nung umuwi ako Thursday morning di na kami nagkita kasi tulog pa sya, beso-beso from his Mom bago ko umalis. And sabi na swimming daw pagdating ng car ni Niknok, sana nga po dumating na! =)) 


Pagdating ko sa house nagtext sakin si Nok nung nagising si Nicholas.


"Sad si Nicholas!!! Namimiss ka na daw ni Nicholas!! Hahaha. Gusto ka na daw nyang makita ulit. Hehehe."


Napakasweet na bata. :">
Excited na ko makita ka ulit Nicholeeet!


Mas marami pang pictures, di ko na nalagay.
 Pictures will be uploaded lateeeer! =)
Read more »
Powered by Blogger.
 

Popular Posts

Followers

Blogroll

 

© 2010 I'm a 90's Girl