Happy 5th Birthday Nicholas.

Friday, July 13, 2012
0 comments
Weeks before his birthday kinukulit na ko ni Nok na sumama sa kanila, ang plan talaga nila ay mag-Zoobic. Kaya lang yung car ni Nok nasa talyer pa din, dapat maghahanda nalang sa house kaya lang di maeenjoy ni Nicholas kasi di sya kumakaen ng pork,beef etc. Hotdog lang & corned beef madalas nya kainin pag nasa bahay. Kung kumakaen man sila sa labas sa MCDO nya lang ata gusto.Hahaha. kaya nag-aya nalang mag-Star City si Ate Remy & Ping, kaya naman itong si Niknok kinukulit akong sumama. I told him nga na wag na ako isama, family time ba! Ayun. Eh kaya lang napilit nya ko. Hahaha. Sinundo ako ni Nok & Nicholas sa kanto. Hehe. 



After gumayak ng mag-Tito. :)

7pm ata nung umalis na kami sa bahay nila. Ang tagal namin nag-antay ng bus sa waiting shed. 2hrs. siguro 'yon. Ganun kahirap sumakay, Sunday pa naman. Kinausap lang ng maayos si Nicholas para pumayag na mag-dinner nalang kami and kinabukasan nalang sila pupunta. Nung una ayaw nya naglulupasay pa nga, kahit nga ako ginagawa na nilang dahilan na gusto ko daw kaen nalang daw wag na mag-Star City. Hahaha! Kasi sakin sumusunod si Nicholas, kaya lang wala eh gusto nya talaga tumuloy. Sinabi pa nga nya,"Papatayin ko lahat ng tao para makasakay tayo!". 

At dahil no choice din naman sya't papagalitan sya ng Mommy nya 'pag di sya naglubay sa kaiiyak, sa Fortune na kami nag-dinner. Pero bago kami 'don pumunta bumili muna sila ng cake for Nicholas.


Nagtagal din sa pagpili ng cake, gusto nya kasi mocha. Kaming lahat naman chocolate,hahaha! Kaya pinipilit nila na yung cake yung bilin lahat ng pang-uuto sinabi. Kaya pala nya gusto yung mocha kasi gusto nya yung design yung toppings ng cake. Kaya pinapalitan nalang namin ng topings yung chocolate na same toppings sa mocha. :)

After sa Goldilocks dumirecho na kami sa Fortune, sobrang gutom na kaming lahat. -.-


Nahihirapan sila mamili, nagtagal din sa pagpili ng oorder-in ! =))
Busy si Nicholas oh!


close up. Naduduling na sa nilalaro nya. Haha!


With love.

eating.


Food. Di na-picture-an lahat eh! :))


Another shot after kumaen.

After namin lahat kaming sobrang busog kaya feel namin maglakad. Kaya nag-jeep kami para sa kanto lang kami bababa and lakad na papunta sa house nila. :)


Kinantahan namin sya ng "Happy Birthday. Ang dami nyang wish, puro toysssssss!

 

With his family. 


Happy Family! :)
Ako nagprisinta na picture-an sila. Para naman may picture sila na kumpleto, kahit wala Daddy nila. :)




Ate Remy: Oh kayo naman ni Tita Joana, Nok umalis ka nga! Hahaha!



Gusto nya lang mag-dance! =))
Yung 1st video yung kila Georgina and 2nd video yung official video ng "Call me maybe." 

Ang dami naming gift sakanya and puro toys, pero yung gift ko nadala nya sa Alaska kasi favorite nya yun eh! Ben 10 na damit. :)
Bago ko umuwi kinabukasan hinug ko si Ate Remy and beso & pati si Nicholas kiniss nya ko and hug ng madami, hehe! And sabi ko nga sa kanya mamimiss ko sya, tinanong ko sya kung mamimiss nya ko sabi nya OO daw. Umepal si Nok kung sya daw ba mamimiss ni Nicholas sabi nya HINDI,sabay bawi "Kidding lang ako!". Hahaha.  See you on December Nicholas & Ate Remy, nakakamiss kayoooooo! =(
Read more »
Powered by Blogger.
 

Popular Posts

Followers

Blogroll

 

© 2010 I'm a 90's Girl