22nd!

Tuesday, December 11, 2012
0 comments
Wednesday, November 28, 2012.

Nag-umpisa ang celebration ng birthday ko, akala ko walang plan that day kasi tinext ko sila ng Tuesday na kung may plano man Wednesday lang ako pwede dahil may lakad na ko ng Thursday to Saturday, which is si Kevin ay pwede lang ng Wednesday and Thursday, so yun!  Nasa bahay lang naman ako ng Wednesday, movie all day! =) Biglang nagtext sakin si Nei na,"Teh, gayak ka. Guilbert's tayo, kita tayo sa crossing." So gumayak na ko agad, at nagkita-kita kami sa bahay nila Krizia. At dahil sawang sawa na ko sa Guilbert's, gusto sana namin ni Krizia and Kevin sa Manila kaya lang di nawawalan ng KJ sa barkada at ayaw pumayag ni Nei, so sa Cabanas nalang ako nag-aya. 



While waiting for our order.
1. With my bff Nei. :>
2. Lahat busy sa kappicture at games sa ipod and ipad.
3. Yung nilalambing namin si Kevin pinupuri ng matindi para lang sa Crispy Pata na hindi naman pala masarap. Hahaha!
4. With my bff Krizia.
5. Malaking mukha ng mahal kong si Kevin. =))


Food. <3 At Redmix.


Ang halos gumastos ng lahat. Thank you friend. Alam mo naman kung gano kita kamahal. =))



Tulad nga ng sabi ko kanina, may kasama kaming KJ. Hahaha! Nag-aya agad umuwi si Nei and kami naman syempre nabitin so naisip namin na kila Marvic(krizia's bf) ituloy. =))


With Marvic.


12am or 1am na ata kami umuwi? Masaya, wala pa man din yung mismong araw ng birthday ko sobrang marami ng nagpapasaya. Kaya lagi ako excited mag-birthday eh! =))


Thursday, November 29, 2012.

At dahil medyo matagal-tagal na din kaming di nagkikita nila Diane and Kath at dahil mag-bbirthday nga din daw ako. Inaya nila ko mag-dinner and gala lang. :))


Gala gala, lakad lakad. Kahit saan mapadpad. Nalibot ata namin buong Ayala, enjoy naman kasi ang daming chikka. Kahit parang ako lang yung halos nagkwento buong gabi. Hahaha! Hinayaan nila ko magkwento dahil alam nilang madami akong kwentong baon. At kahit natatahimik ako saglit sasabihin nila, "Alam kong madami ka pang kwento, sige lang." Tama naman, medyo nakalimutan ko lang yung iba. =))



Dinner, sa Mang Inasal lang nauwi. Super gutom na and gusto ko din kasi ng soup. Hahaha!


Husay lang kumuha ng candid ni Diane eh. Haha!
Soup + Halo-halo. :))


Tawa ng tawa ng tawa!!!!!!! =)))


Thank you sa libreng dinner. Love you girls! <3

Friday, November 30, 2012.


Before lunch gumayak na kami and nag-lunch sa Ilongo Grill. After namin mag-lunch nanuod kami Breaking Dawn Part 2. and nag-shopping sa St. Francis Square. After namin mag-shopping bumalik muna kami sa Condo para magpahinga saglit and iwan yung mga pinamili namin. 


Oh picture ulit bago umalis. =))






Dinner with Nok! :)
After namin mag-dinner bumalik kami sa SM Megamall and binili nya ko ng flowers.




Pastillas na rose. ;))


Plus note. :))
After namin bumili ng flowers naglibot lang kami saglit and nanuod na ng last full show ng 24/7 in love.  


Eh kasi nga di talaga ko nabubusog sa pasta kaya ayan ginutom na naman ako and nagpa-take-out nalang. :))


Bigay ni Ate King, kasi nag-Singapore sila ng mga friends nya. :'>


Thank You Niknoooook! =))
May utang pa daw syang Spa and headset. =)) =p

Kahit si Ate King and Nok ang kasama at unang bumati sakin nung birthday ko. Thank you! <3


Saturday, December 01, 2012.


Bago umuwi sa Bulacan sumaglit muna kami ulit sa SM Megamall sa Brow Studio, dapat kasi talaga Friday night bago kami manuod ng 24/7 in love. Kaya lang sobrang daming tao sa Brow Studio and 11pm ako pinapabalik so di kami aabot. Kaya kinabukasan nalang kami bumalik. Bukod sa buhok ko na takot ako ipagalaw kung kanino lang isa tong kilay ko sa di ko basta basta pinapagalaw, actually ayaw nga ni Jean na magpa-brow design ako sabi ko nga papaayos ko lang nagagandahan kasi sya sa kilay ko ang weird nga ang kapal kasi ng kilay ko. hahaha! So yan! Happy naman ako sa result at babalik ako ulit sa kanila! :)



Yung paggising ko etong video na 'to agad bumuo ng araw ko, sweet nyo guys! Salamaaa! :'>


Eto talaga pinaka-highlight ng birthday ko eh. Eto yung masasabi ko na bumuo ng birthday ko, iyak kung iyak! Di ko kasi ineexpect na may ganto pa. Kasi nga kasama na sya sa 1st celebration nung Wednesday. Dapat talaga may mga kasama sya kaya lang medyo nagkaron ng problema and nagkaron ng tampuhan kaya sya nalang yung pumunta. 



Meron kasing handaan sa kanila kaya may pasalubong din akong spaghetti and shang hai. Alam nya kasing gustong gusto ko luto ng family nya, lalo 'pag fried chicken!!!!! :))


Thank you, girl! Sobra sobra sobrang napasaya mo ko. :'>


Balloons! I love balloons! :'>


Matagal ko na talagang gusto yung short na 'to, eh ang mahal kaya eto nalang niregalo sakin ni Ate Elsie, Jona and Jr. Naghati-hati sila. :)) Thank youu!


Regalo naman 'to ni Tita and Ate Cristy, Thankkkk youuu! :)



Thank you! Thank you! Sa mga nakasama ko bago at hanggang sa matapos ang birthday ko. Sobra sobra nyo kong napasaya, kahit di ko naman kayo nalibre lahat dahil wala naman talagang pera. Bawi nalang next time, ngaun lang naman ako di naghanda pagbigyan nyo na! =)) Salamat sa mga tumawag, nagtext, nagwall post at bumati personal. SALAMAAAAAAAT! I love you all! <3
Read more »
Powered by Blogger.
 

Popular Posts

Followers

Blogroll

 

© 2010 I'm a 90's Girl