Valentine's Night with Friends.

Monday, February 20, 2012
0 comments

As always biglaan na naman. Tumawag lang bigla si Krizia na gumayak daw ako at aalis kami. 
Ako, Krizia & Benok ang magkakasamang lumuwas papunta sa Gerardo's para i-meet si Jem(my cousin) & Kevin. Nung andon na kami medyo tambay lang konti kasi may inaantay na text si Jem bago kami pumunta sa dapat talaga na puntahan! :)) Nag-taxi kami from Timog to Roxas Blvd. sa Harbour Square.


US.
Actually may kasama pa kaming 2 lalaki. Friend ni Jem.
Si Echo(with yellow shirt) sumunod lang sya galing kasi sya sa Ortigas may meeting kasi sila sa UNO . =)


with Benok.


ooops! uhaw lang? =))


with Krizia.


with Kevin.


At dahil ang init sa taas nagpahangin at libot libot kami ni Kevin & Benok. 
Ang ganda ng view. Ang sarap ng feeling. Namiss ko bigla ang pag-stay ko sa Manila lalo kasama ko si Nok! :'> Parang ang laya laya namin. :))


Yes I smoke. Pero di naman ako hayok! Hahaha.
'Pag lang gantong nakainom. =)

After nila uminom nagkaayaan kumaen sa Yellow Cab. 
Ayaw ko kasing umiinom ng madami pag nasa Manila lalo't bbyahe pa kami pauwi. Di bale sana kung may tutuluyan kami na sa Manila din e. Mas maeenjoy sana :/



Lasing lang Bogz? :)))







While waiting for our orders.



Four Seasons Pizza+ US+Fleet Starters+Coffee= Solve! =)

After kumaen tambay/yosi sa labas. 




Eh yung candid? :))


After nila mag-yosi! Mag-taxi sana kami from CCP to Cubao. Kaya lang walang tumatanggap ! Hahaha. Malayo daw masyado. Kaya nag-bus nalang kami. Grabe sobrang tagal ng byahe, mas matagal pa inupo namin don kesa yung way namin pa-Bulacan. At take note ha! May pasok pa ko non! I mean pumunta kami school para sa Thesis. Mag-hapon pa kami sa school -.- Kaya sobrang bangag ako. Para ata kong naka-drugs kasi sobrang natutulala ako saka iritable. :/ Sorry naman sa mga nadamay! hihi =P

That's all! Thanks for reading this post! :'>
Read more »

Ate Rheg's Birthday!

Thursday, February 16, 2012
0 comments

After mass umuwi lang ako para maligo kasi yun yung araw na lumuwas kami ni Jean. At pagdating ko 'don ang dami na nila :))

And may binigay akong gift :


6 pieces coupon from MCDO! Hahahaha.
Dahil maraming pinapamigay sa school pati sa Divi. :))))

Me: May gift nga pala ako! *seryosong dumudukot sa bag*
Ate Rheg: Ayan? *para bang nahihiya kasi nag-abala pa kongmagregalo*
Sila: *Nakatingin at nakaabang kung ano yung kinukuha ko sa bag*
Me: Oh! *inabot ang coupon*
Krizia: Hahaha. Taena! Madami din ako nyan!
US: Hahahahahahahaha
Ate Rheg: Pagkakaen mo uwi ka na ah! hahahahaha.


After namin kumaen , inuman time na! :)



Random pictures habang nag-iinuman.
Mejo bangag lang :))


Ate Rheg & his gwapong bf!


Masaya! Masaya ang celebration!!!
May mga sumunod pa kaya lang di ko na na-picture-an. :| :))
5am na ata kami nakauwi lahat and nagpahatid ako ke Krizia & Jhay! :)



Bye! :>
Read more »

Valentine's Day!

Wednesday, February 15, 2012
0 comments

Tuesday at wala akong klase, parehas kaming free ng Tuesday. Kaya lang tinatamad ako umalis ng bahay kasi nag-uulan. And na-plano na naman namin na Sunday kami mag-date. At dahil biglang nagpatawag ang leader namin sa Thesis naobliga tuloy ako umalis. Para na rin di masayang ang punta ko sa school inaya ko sya na kaen kako kami after i-meet leader namin. Then bigla nya sinabi na sa Walter nalang daw kami pumunta kasi may bibilin daw sya para sa PS3 na which is true naman talaga.  

After namin kumaen sa KFC nag-aya sya mag-C.R! At dahil Valentine's Day nga sobrang daming tao sa mall at malamang pati sa C.R! Kaya medyo nagtagal talaga ko kasi haba ng lane -.- Paglabas ko, wala sya! Kaya tinext ko sya and I asked him kung nasan ba sya. At habang di nagrereply naglibot libot lang ako. Then nung pabalik na ko sa place na pagkikitaan namin. Palapit naman sya sakin para iabot with matinding ngiti ang flowers! :">


Hindi pa talaga ito yung date namin for Vday! Nag-aya lang aksi ko kumaen sa labas ng school tapos bigla naman sya nag-aya sa Walter!  :| :))

Some Random Text  from my Babe:

Kaya naman talaga ko nagpunta Walter para lang sa flowers mo e! :P
Tinext ko sya and todo Thank You ako kasi kinilig talaga ko! :">  And panay sabi ako
sakanya na ang saya ko ! At eto reply nya! :))
Syempre Valentines babe e! Ayaw ko sad ka! :) 


L-R: Galing sa ligaw ni Bunos(Jona) & galing sa ligaw ko! :)))



Read more »

Yung lalaking . . .

Friday, February 10, 2012
0 comments
001: Bigla ka nalang bubuhatin nang ganito . . .


       At ganito . . .


    Kasi wala lang! Kasi gusto nya lang! :'>


  002: Kayang halikan ang paa mo kahit ang dumi. Hahahaha.

           Kanina kasi naggugupit sya ng kuko ako naman nakahiga tapos bigla nya kinuha 
          paa ko and nilinis. . .

        Me: Madumi paa ko!
       Jean: *kinis talampakan ko*
      Me: Eeew ka! Hahaha.




  Yan oh! Sample pic. kanina! :))


003: Ihahatid ka hanggang sakayan ng trike papunta sa bahay nyo.

Yea! Everytime na pupunta ko sa kanila para mag-sleepover,  lagi nya ko hinahatid hanggang crossing ng Plaridel! Duhba? ang sweet???! :'>
Kahit tinatamad at kahit mainit ihahatid pa din ako! hihi. :P

004: Paggising mo sa umaga magugulat ka nalang nakatitig lang sya sayo pinapanuod ka habang tulog ka at nung naalimpungatan ka bigla ka nalang iki-kiss. Tapos biglang sasabihin "I love youuuu".

Galit sya sakin nung paggising namin, kasi nanaginip daw sya. Meron daw akong iba. Kaya pala nagpayakap sya sakin nung naalimpungatan ako pero nakatalikod sya sakin. Hahaha.
Sabi ko: "Para kang sira! Maniwala ka walang iba! Promise!".

Nangyari na din sakin 'to e. Pero hindi kami magkasama nung nanaginip din ako ng ganto. Paggising ko galit talaga ko, ayoko sya itext. Tapos bigla ko nalang naisip panaginip ba yun o totoo? Hahaha. Kasi di ba may mga panaginip na parang totoong nangyari? :))) :P

005: Kaya kang tignan nang ganito . . .
Hindi ko alam na ganto pala ang peg nya habang todo smile naman ako sa camera! :)))
Gustong-gusto nya kong tinititigan kahit alam nyang ayaw na ayaw ko. Di naman sa nahihiya ako sakanya, hello? May ikakahiya pa ba ko sakanya! Hahaha.  Ewan ko! Di lang talaga ko sanay ng tinititigan ako. Okay lang sana kung di ko alam ! Hahahaha :P

006: Kahit inaantok na ima-massage pa din yung paa mo kasi alam nyang pagod ka at alam nya na yun ang makakapagpa-relax sayo.



Kahit madumi paa ko ayan at kayang kaya nya pa din hawakan ng walang halong reklamo at  kaartehan! :))

007:  Kaya kang halikan kahit saang lugar man kayo na hindi nahihiya na makita ng 
          ibang tao. :>

Dati kasi ayoko talaga nagpapa-hawak ng kamay o nagpapakiss pag nasa school. Siguro feeling ko H.S pa din ako.  Hahaha. Nung H.S kasi ako pinatawag sa guidance office lahat ng lovers na "PDA" DAW?! First time ever kong mapunta sa office na yon ng dahil lang don!  Kaya after kami kausapin ang daming nagbago sakin, sa pakikitungo ko sa "ex" ko. Na nadala ko hanggang sa sumunod na naging bf ko, at si Jean yon. Grabe alam ni God, na wala kaming ginagawang ka-PDA para ma-guidance! Masama bang makita kami ng mga teachers na magkasama at magkausap lang?! So PDA na yon? theF! So yun! Yun ang dahilan! Hahaha. Pero wala na yon ngaun, kahit san lugar man kami okay lang na i-hug nya ko or i-kiss.  01.09.12 ata yun nung nag-bbye ako sakanya bigla sya umakma na kikiss tapos kumiss naman ako. Gulat na gulat sya. Hahaha.

HIM: Wow ah! First time yun ah? Dati ayaw mo nagpapa-kiss pag nasa scholl tayo e! 

Natawa nalang ako sa sinabi nya. Haha. 
Madalas kasi umaakma lang sya na kikiss pero di ako pumapayag. :))
'Yon! :)


008: Makakasundo mo sa pagkain ng ihaw--ihaw!


Parehas kaming mahilig sa gantong food. Pero parehas din namin pinipigilan na dalasan ang pagkaen ng ganto kasi masama sa health pag masyado napadami or kung inaaraw-araw namin! :))

009: Mahilig sa bata.


Parehas kaming mahilig sa baby. Madalas nga pinag-uusapan na namin kung ano bibilin, san pag-aaralin, ano gagawin etc. pag nagka-baby na kami. Hahaha. Sya yung laging nag-oopen ng topic about sa future naming dalawa. 

010: Walang sawang uulit-ulitin sayo na ikaw ang gusto nyang mapangasawa. 
Na gusto nyang magkaroon ng buo at masayang family na ikaw ang magiging asawa at ina ng magiging anak nya! :)

SYA YON! :>

011:  Mapapakanta mo para lang mapatawad sya! :'>


Kahit di talaga sya kumakanta at kahit ayaw na ayaw nya talaga! :))

012: Gagawa nang ganito, mapatawad mo lang!


013: Kasa-kasama mo sa mga kakornihan at non-sense na bagay! :))


Kasi isang gabi na wala kaming magawa at may hawak ako ng pentel, sinulatan ko sya sa kamay. Eh nainggit? Ayan! Sinulatan din kamay ko! :))

014: Ilalagay picture nyong dalawa maski sa Start Menu! :))


HIM: Bhe oh! Look! Picture nating dalawa! :>

015: Tuturuan or tutulungan kang matutunan sa lesson na di mo maintindihan.



016: Mag-eeffort gumawa ng logo ng name mo para ilagay sa phone nya . Kasi alam nyang it will make me kilig. :))


017: Kilalang kilala ka na. At umaabot sa punto na may ganon ka palang attitude na sya lang yung nakapansin. Yun nga ay ang pagiging masungit ko nang walang dahilan na ginawa nya ikagagalit ko kasi NAGUGUTOM lang pala ako! :)))

Sya lang nakapansin talaga! Maski ako hindi ko alam na nagiging masungit ako at bad sakanya paggutom ako.

HIM: Grabe ka bhe! Para kang monster pag gutom! :)))

018: Kahit nasaan pa sya basta alam nyang sinamaan ako ng pakiramdam at alam nyang nag-iisa lang ako pupuntahan ako kahit ano pa man ang mangyari. At aalagaan ka hanggang sa bumuti pakiramdam mo di bale nang hindi sya makapasok para lang malaman na okay ka na talaga. :))

019: Hindi nahihiya na halikan ka sa lips or kahit sa noo kahit madami mang tao na nakakakita sa inyo.

020: Ipagluluto ka. Minsan tatanungin ka pa kung ano gusto mong ulam bago pumunta sa bahay nila para lang mag-lunch at yun nga ang lulutuin nya kasi yun ang ni-request mo! :>

Before kasi sya lang ung marunong magluto saming dalawa. Last October 2011 lang kasi ako natutong magluto! Kaya ngaun parehas na kaming nasa kitchen pag nagluluto, bonding na din kasi namin yon! :))

021: Sya pa yung mang-aamo/manlalambing kahit na minsan alam mong ikaw yung may kasalanan. Para lang maging okay kayo okay lang na lunukin nalang nya yung pride nya kesa humaba yung oras na hindi kayo nag-uusap! :)

022: Aamin sayo na dati syang nakokornihan sa salitang "Mahal na mahal kita" na nahihiya sya sabihin sa personal yung ganung salita. Pero ngaun halos araw-araw mong maririnig yun sakanya kasi yun talaga yung nararamdaman nya.


Kahit dumadating sa point na sobrang init ng ulo nyong dalawa  bigla nalang sasabihin na "Mahal na mahal kita. Ikaw lang baby ko!".

or

Kahit gigising kayong dalawa sa umaga at bigla ka nalnag yayakapin at sasabihin na "Mahal na mahal kita!".

023: 'Pag nakita kang pawis na pawis e pupunasan ka ng pawis kahit ang daming tao kahit nasa school man kayo! :))

024:  Kahit madaming tao susubuan ka ng food na kinakain nya kahit parehas pa kayo ng kinakaen.
Hindi naman bago samne yun, nakasanayan na namin na nagsusubuan ng pagkaen. So what kung madaming tao db? So what kung corny para sa kanila? :>

025: Lalayuan or iiwasan yung taong alam nyang pinagseselosan mo.
Kasi ayaw nyang nag-aaway kay ng dahil lang don! :)

026:  Kaya kang iharap at proud sya na ipakilala ka sa family nya. As in sa buong family nya.

Naalala ko nung pumunta kami ng Taguig, sa Tita nya. Pinakilala nya ko sa Aunty nya and sabi kilala na daw nya ko. Bukod sa nakkwento ko ng Mom nya nakita daw nya ko sa FB! :))

027: Kayang sabihin sa ibang tao na "AKO" , ako na yung gusto nyang pakasalan, Dahila sa ugali ko at kung pano ko sya alagaan. Dahil ako lang daw yung babaeng naging ganon sakanya! :">

At alam nyo ba kung kanino? Sa mga boss nya sa OJT nya! Minsan nya kasi nakainuman mga 'yon hihi. :P


028: Nagagalit/napapraning pag di ka nagrereply sa text nya. Nagagalit pag nakahawak sa kamay nya tapos bigla kang bibitaw.

029:  Bibilin lahat ng gusto mo basta may pera or extra money sya!

030:  Handang tanggapin lahat ng kaimperpektuhan mo at hindi ka huhusgahan.
Kaya kang mahalin ng buong-buo ng walang alinlangan! :>

031:  Hindi naman talaga romantiko pero nagpapakaromantiko para sayo.

032: Bibigyan ka ng bulaklak at kayang magdala ng bulaklak kahit madaming tao ang nakakakita sa kanya. Kasi may mga lalaking nahihiya magdala ng bulaklak,db? Na iniisip yugn sasabihin ng ibang tao :) Pero sya ni-deadma nya yun para lang sakin! :))

033:  Gusto ikaw na ang maging huling babae sa buhay nya. Na nagagalit pag kinontra mo sya sa ganung usapan. Ako kasi ayokong umasa pero syempre gusto ko na sya na din yung huling lalaki at makakasama ko forever pero sinasbi ko sakanya na mahirap magsalita ng patapos at minsan dumadating pa sa point na sasabihin ko nalang na "Sabi mo lang yan.", "Ngaun lang yan kasi yan yung nararamdaman mo", "Malay mo magbago o mawala yung love mo". Syempre nagagalit sya. Bat daw ba kasi ganon ako mag-isip. And ni-explain ko sakanya kung bakit at naintindihan naman nya at sinabi nya na ibahin ko sya sa mga lalaking nakilala ko. Na hindi sya magiging ganon! :))

034: 



Gusto magpalit ng number pero gusto nya parehas at magkasunod pa din yung last digit ng number nyo! :>

035:

 Bago ka matulog itetext ka ng ganito.
At nakikipagtalo pa kung sino yung mas higit na may love samin dalawa! :))


eto pa oh! :">

Ibig nya sabihin na ayaw nya napag-uusapan is yung about sa pag-alis ko. :|




Read more »

Digital Perm at Beauty Brick, AGAIN!

0 comments
DAY2:
Monday. January 30,2012


May pasok kami ng 9am kaya gumising kami ng 7am dahil parehas kaming makupad sa paggayak pero mas matumal sya gumayak yung tipong nakalabas na kami ng gate babalik pa kasi nalimutan yung wallet or relo. Mga madalas nyang makalimutan! Hahaha. 9am-12pm ang class then after class we had our lunch na sa canteen para pag-uwi namin maligo nalang kami and prepare para lumuwas kasi nga magpapa-perm ako. 


Last year ko pa talaga binalak magpa-digital perm kaya lang di natuloy kasi dapat treat ng cousin ko pero busy sya and di din kami nagkikita. Kaya humingi nalang ako pera sa Mhama ko para makapagpa-perm na! Nag-loose na kasi yung curls parang wavy nalang sya.

Sinamahan ako ni BF and tinulungan nya din ako mag-search ng iba pang Salon na maganda and magaling sa pag-perm. Nagtanong sya sa Ate nya and kinausap ko din Ate nya. Balak na talaga namin is sa Bang's Tony & jackey SM North Edsa The Block, gusto nya din na don ako kasi syempre makakapaglibot-libot sya habang nag-aantay sya sakin.

Pero nagdadalawang isip talaga ko kung itututloy ko sa Tony & Jackey, di talaga ko comfortable. Ewan ko ba! Siguro dahil sa nababasa ko sa mga Forums. BUTI nalang kamo di ako natuloy don! 5k pala sa kanila yung 3k na nabasa ko is para sa untreated hair. 4k lang bduget ko kaya nag-decide ako na sa Beauty brick nalang.  :)




At FX . On our way to SM North.


Pagdating namin hinanap pa namin kung san sa The Block ba pwesto ng Bang's ! Nung nakita na namin yung Salon nilapitan kami nung staff, sabi nya na yung Aqua Setting nila is for untreated hair nga daw. Yung hair ko daw ay pang-package D: L'oreal Setting, Arte Herba Manicure, Keratin treatment & Haircut.  At dahil di kaya ng budget ko at di talaga bukal sa loob ko na duon magpa-perm lumipat nalang kami sa Beauty Brick.


Commuter's Guide: 




Here's how you could get there:
MRT Station: Go down to BUENDIA Station
What You'll See: Shell and SM Cyberzone 2
Walk to where the jeeps are waiting and ride any sign that says washington
Go down to a Petron Gas Station that's right across Mcdonalds, Mercury Drug, KFC.
You'll have to walk no matter what because it's a one way road so there's no way a jeep or a taxi coming from Makati Ave can turn left to Jupiter St. Unless you coming from the other side which I don't know how. lol.
Beauty Brick is in line with the mentioned establishments. They are in the middle of red ribbon and Franck Provost.
You wouldn't see red ribbon from afar what you'll see is an establishment called "Top Grill" right before Top Grill is Red Ribbon.

Thanks to her!

Good thing at familiar ako sa lugar kasi malapit lang sya sa pinag-OJT-han ko. Dati ko ng nakita yung lugaw sabi ko nga parang napunta na ko don. At tama nga! Dun nga malapit yung Salon ni Mr. Shin! :))


4:30pm na ata kami nakadating sa Makati pero nag-merienda muna kami sa KFC. Merienda as in RICE ! :)) Then after kumaen nilakad na namin papunta sa Salon. Pagpasok ko sa Salon lahat sila nakatingin & bumati, walang pagbabago ang babaet pa din nila at nadagdagan pa sila. kala nila nakapagpa-reserve ako. Buti na nga lang tinggap pa din nila ko kasi madami na palang naka-schedule sa kanila. Habang inaantay ako ni BF at ako naman e nakasalang don magkatext lang kami at nag-aasaran.  :)

Gusto ko din pagkaka-trim ni Mr. Shin sa bangs ko, kaya pagbalik ko don papa-trim ko ulit to sakanya! Plan ko kasi na dun din magpa-color ng hair pero I think ang i-susuggest nila e cellophane kasi meron don girl na permed hair din tapos papa-color ata sya pero sabi mas okay daw kung cellophane para yung dry locks di ganon halata.

Nakakatuwa nga kasi nung nag-ask ako kung magkano hair color & kung pede sabay sya sa perm ayaw nila pumayag na pa-color ako kasi masisira daw hair ko. Di tulad ng ibang Salon na kumita lang ng pera kahit alam nilang di dapat eh gooo lang sila.



While waiting for Mr. Shin, busy sa labas ng Salon kasi may kausap sa phone. :))


Kahit low quality? Dahil phone pics. lang? :)))




Me: Yung kuha ko naman dito parang 1st time ko mapunta/sumakay sa MRT Station/train. 
Him: Oo nga no? Hahaha.

After ng halos 4hrs. na pag-aantay nya sakin  umalis na kami and pilit na humabol sa Trinoma para mag-dinner & bumili ng Herbal Essence & Hair Lotion. Kaya lang sarado na mall pagbaba namin ng train :( Kaya sa Supermarket kami naghanap kaya lang walang Herbal Essence and Hair Lotion na kelanagn ko. Sa H.E lang talaga umayos yung hair ko and pang-sub ko na Pantene Nature Care, maganda din sya sa hair. Kaya ngaun gamit ko Finesse Volumizing Shampoo. Last year ko pa gamit yun, inaantay ko nalang maubos at maghahanap na talaga ko ng H.E! Bat kasi di na nag-restock sa SM Baliuag! Kelangan ko pa tuloy lumuwas para lang sa conditioner! :| So balik tayo sa usapan, at dahil wala nga ako nabili at sya lang yung may nabili. After namin sa Supermarket nag-Starbucks kami and Siomai  House 




HIM: Eh? Pictute-an muna natin bago maubos! :)


Nahawa na ata sakin sa kaka-picture ko ng kung ano-ano para sa blog. :))


At umuwi na kami after! Pagbaba namin sa Malolos dumaan kami 7/11 para bumili ng Chicha & Soda! Sa bahay nalang kami nag-dinner.


Pagdating sa bahay. . .




Gustong-gusto ni BF ang curls ko! hihi :>
Tuwang tuwa sya kakahawak sa hair ko.




:))))




While he's so busy doing their Thesis! :)


Mag-movie pa sana kami kaya lang parehas kaming pagod & inaantok na. 11:30pm na ata ng makadating kami sa house nila.




Sssshhh! He's sleeping. 




Ang mata na inaantok.


Biglang nawala antok ko kaya nauna sya nag-sleep sakin. Ako naman medyo nagbabad pa sa net! :)))


And at last! After almost 2 days na hindi pagpaligo sa hair ko . . .








Lovin' my curlssss! Mas okay yung ngaun kesa sa dati! :)


Color nalang and some hair treatment naalng kulang! :)



Hair Cream. So it will looks more natural.
Kesa sa mousse & hindi ko gusto yung ginamit ko before na "Shine Wax" ng bench. Halos di nga ata nangalahati yun! :))






And my fave! hihi. 
Just because i love its scent.




Kahit yung mga classmates ko nagustuhan curls ko! hihi. Mas okay daw yung ngaun kesa sa dati. And may mga nag-chat din sakin kung saan,how much etc. :)


Thanks Mr. Shin and sa mga staff mo na napakababaet! :)

Read more »
Powered by Blogger.
 

Popular Posts

Followers

Blogroll

 

© 2010 I'm a 90's Girl