God, kayo na po ang bahala! :(

Thursday, October 27, 2011
Nagtext si Phapa:
Chin2 & Meme, please pakisabi kay Tatay na mahal na mahal ko siya at salamat sa lahat. Kung nahihirapan na sya wag nya na kamo kong hintayin. Alam kong mahal niya rin kamo akom gusto kong umuwi pero hindi ko alam kung papano. Bahala na ang Diyos, kayo na muna bahala kay Tatay.
Ni-forward ko yung text ni Phapa ang nagtext ako na makibasa nalang sa Tatay.
 
 Nagreply si Ate Meme:

Ok. Binasa nga ni Charlie(Kapatid ni Phapa) yung text ng Phapa mo kay Tatay. Tumulo nga yung luha ni Tatay. Hindi lang siguro makapagsalita.


Si Ate Meme ang nagbabantay at nag-aalaga ke Tatay asawa sya ni Kuya Chin na kapatid ng Phapa ko. Bigla ko naiyak. Seryoso. Kasi alam mo yung feeling na kung ikaw yung nasa sitwasyon ng Ama mo tapos nasa malayo ka at ang Ama mo ay nadedelikado na, gusto mong umuwi pero wala ka magawa. Ang sakit lang. Haay, God sana wag nyo ng pahirapan Lolo ko. :'(

3 times na kasi sya na-stroke kaya mahina na rin talaga katawan nya. Sobrang payat nya ngaun as in buto at balat nalang. Wala syang ganang kumaen. Puro ensure na milk and food na kaya nyang kainin pinapakain sakanya kaya lang hirap na talaga. Sinusuka nya. Ni hindi na sya makatagal na maupo. Awang awa na ko sa Lolo ko. Bahala na ang Diyos. Maski ang mga ospital halos ayaw na sya tanggapin. Kanina lang sya ni-admit pero tomorrow lalabas na din sya, kasi wala na sila magagawa at sabi magaaksaya nalang daw ng pera pag ni-admit pa sa ospital. And ni-suggest ng Doc. na kung gusto daw namin na resetahan nalang ng gamot pero iuuwi na sya sa bahay. Kasi mahihirapan na daw talaga maka-recover. God, please!please! Maawa kayo :'(

0 comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.

Powered by Blogger.
 

Popular Posts

Followers

Blogroll

 

© 2010 I'm a 90's Girl