Lolo ko, we'll forever miss you! :'(

Friday, November 18, 2011
Do you still remember my post? Entitled "God, kayo na po ang bahala! :(" Kinabukasan nun mga 2:30am, namatay na Lolo ko! :( Masaya na malungkot. Masaya kasi at least alam kong masaya na sya kasama na nya Lola ko and makakapahinga na sya ng maayus, di ko na sya makikitang nahihirapan. Malungkot kasi hindi ko na sya makikita na nakangiti :( 

3am ata nung ginising nila ko. Ginising ako ng Tita ko, actually wala pa ko sa sarili non. Bumangon ako pero wala ko naiintindihan sa mga sinasabi nya. Ganun kasi ko pag ginigising. Tapos tumayo ako kala ko kasi may liwanag na or umaga na,pag labas ko sa terrace and daming tao. Nasa terrace namin lahat ng kamag-anak namin at sabi nga sakin patay na Lolo ko.  Wala di lang ako nakapagsalita na parang bigla ko nanlamig at bumilis heartbeat ko. Then ni-check ko kung may extra load ako para tawagan sila Phapa. Nung tinawagan ko sya ako pa yung iyak ng iyak sya pa ung nagpapakalma sakin imbis na ako dapat yung mag-comfort sakanya dahil sya yung anak. After namin mag-usap tahimik lang ako habang yung mga tito at tita ko nagkkwentuhan. Sabi bigla ng Tito ko:

Mahal na mahal si Joana ng Tatay e.

Sabi nga nila paboritong apo daw ako. Kasi dito ko lumaki sa mga Lolo ko kaya pati sa mga Tito ko malalapit ako. Natatawa na nga lang ako pagsinasabi nila na nung bata daw ako hindi ako maalis sa tabi ng mga Tito ko. Inis na inis daw sila sakin, daig ko pa daw mga sariling anak nila. Hahaha. Seriously! 


At dahil pagod ako kasi ako ang namili ng mga pagkaen para iluto sa unang gabi ni tatay sa mga bisita, buti nalang pumunta agad ang bf ko. Kahit madumi paa ko ni-massage nya pa din :)

Random pictures nang paglalamay namin :)

Tinuruan nila ko mag-play ng tong-its. :)

Chikahan ! 5am na ata nyan :)



And bago ko mag-sleep tinitignan ko muna si Tatay :>

Yung girl sa middle galing pa syang Kalibo,Aklan. Pinsan namin sya, magkakasama kaming lumaki pero nung 7years old ata sya umalis na sila dito and lumipat na sa Aklan kaya bihira na sila bumisita dito samen. Madalas pag umuuwi lang Ate nya or Mommy nya form Dubai. I miss her already! :| :))

Cousins!!!! Mga magkakakilala sa FB pero nag-meet lang sa personal nung huling gabi ni Tatay. Nagmukang reunion dahil lahat ng malalayong kamag-anak nagsidatingan din.

Sa huling gabi ni Tatay naglaro kaming magpipinsan ng 123 pass, si Marian na katabi ko na may suot na watch ilang beses nya natamaan braso ko :(


6am na kami nakatulog lahat sa huling gabi ni Tatay and kelangan din gumising para mag-prepare kasi 1pm libing and ang dami pa namin na maliligo. Yung iba kasi samen nag-stay and yung iba sa bahay ng mga Tito ko :)


At dumating na nga ang araw, ang huling araw na makikita namin sya . . .





Papunta kami sa St. James Parish Church.


Church.


Syempre nakipaglibing din si Jean.


girls.
with my Phapa.


Nang mag-start na mass, look at her! She's my inaanak :)) Cuuute! hihi :>


Habang nag-mamass.


:(


My Phapa. Nagpapasalamat sya ke Tatay sa lahat ng nagawa nya at nagpapasalamat sa alaht ng nakiramay & nakipaglibing pati sa mga nagabuloy.


Papunta ng cemetery.

Sa jeep, papuntang cemetery. Kung maka-close up naman yung kumuha oh! :))








Magkakapatid. Kulang ng isa, si Tito Unio kasi di sya pinayagang makauwi.




Them! Nagpapasalamat sa lahat ng nakiramay.





Samen lahat na magpipinsan, kaming 3 yung pinakamalapit sa Lolo ko. :(

Buti nalang at may boyfriend ako na katulad nya. :)



With my inaanak, Charice! :>
L-R: Me, Jean, Jona(My lil sis) & Jr(my brother) 
Pauwi :)

Almost 1week din naiburol si Tatay sa bahay ng Tito ko, kasi si Phapa October 30 lang nakauwi. And dahil bawal daw maglibing ng Nov.1 & 2 . Buti na nga lang ako nakauwi si Phapa. Pero 2 weeks lang sya nag-stay dito sa Pinas, okay na rin samen yun ang mahalaga kahit saglit nakasama namin sya :)

Tatay, alam ko masaya ka na ngaun . Always remember na mahal na mahal ka naming lahat.  

0 comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.

Powered by Blogger.
 

Popular Posts

Followers

Blogroll

 

© 2010 I'm a 90's Girl