"Kaya advice ko sa mga girls, wag kayo maging masyadong mabaet sa mga boyfriend nyo. Wag laging "oo" lang, dapat matuto din tayong humindi". - Melissa Ricks
Hindi yan yung exact words na sinabi nya pero yan ibig nyang sabihin. Gusto ko lang mag-share. . .
I super agree with her, based on my experience kasi. Yeaaa! I'm sooooo mabaet pagdating sa bf ko. NUNG UNA. :)) Kasi syempre umpisa palang nagkakahiyaan pa and sabihin na nating sobrang mahal ko sya nung mga time na 'yon.Haha. Kaya lahat ng sasabihin o gagawin nya , "OO" lang ako nang oo. Laging "sige okay lang". Basta ako lahat umiintindi kahit na minsan napapansin ko na di na tama na sobra na. Kasi ang akin masaya sya dun e, ayaw ko control-in sya sa mga bagay na gusto nyang gawin. Hindi rin ako selosa actually natutuwa pa yun pag nagseselos ako. Kasi sobrang "bihira". Sasabihin pa non "Susulitin ko na, minsan lang yan e."
Bago ko sya naging boyfriend may naging bf ako nung h.s ako, never kami lumabas nun nang kaming 2 lang. Nangyari lang ata yun 1 beses? Nanuod lang kami movie then umuwi na. Kaya ko lang na-share 'to kasi ang daming pagbabago nung sya na naging bf ko. Hindi ako sanay na kaming 2 lang, ayoko nang laging kaming 2 lang yung magkasama basta hindi ako kumportable. Pero habang tumatagal na ams madalas kaming nagkakasama mas lalong nawawala yung hiya ko at nagiging walang hiya na ko sakanya. Chos! Hahah.
Sa sobrangd aming nangyari samin sa relasyon namin sa mga pinagdaanan namin sa mga nagawa nya sakin pati sa mga nagawa ko sakanyang kasalanan natuto ko. Ang dami dami kong natutunan sa relasyon namin. Ngaun kita nyo okay na okay na kami, napapasunod ko sya sa mga bagay bagay na hindi nya dapat gawin. Hindi ko din sya inuutusan na magpaka-sweet sakin, magugulat nalang ako na BOOM! may mga pick up lines minsan, random na iloveyou paggising at bago matulog, lots of flowers, gifts and all. Lahat na. Wala na siguro ko mahihiling pa. Lahat na nang gusto ko nagawa nya. At dahil don mas naging matatag kami. Yung tiwala sa isa't-isa naibalik namin kahit ilang beses kami nagka-problema.
Dapat alam mo kung pano mo aalagaan ang isang lalaki, alam mo dapat kung pano mo sya tuturuan kung pano ka tratuhin. Hindi yung papayag ka na sinisigaw sigawan ka sa harap ng maraming tao, inuutos utusan ka, ittrato ka nang parang ewan o sasaktan ka mapa-pisikal man yan o emosyonal and I'm glad na hindi nya yon ginawa sakin. You know naman girls kung ano yung mga ibig kong sabihin. Dapat turuan mo syang matakot sayo, matakot na mawala ka sakanya :)
Share lang! Bigla ko lang kasi naalala yung sarili ko dati sa sinabi ni Melissa Ricks! Hehe.
0 comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.