Si Niknok, eksena! :)))

Friday, March 30, 2012
Medyo may konting pagtatalo kami kanina and gusto ko lang i-share ang mga nangyari! =))

Nasa school kami at dahil nainis ako sa nakita ko umuwi ako ng di nagpapaalam.  Nasakin mga gamit nya kaya iniwan ko nalang ke Kath. Nagmadali na ko maglakad papunta sa sakayan ng jeep kasi baka maabutan ako.  At ayon nga naabutan nga ako! Ang tagal kasi ng jeep o mapili lang ako sa sasakyan? Init kaya! =p Nagulat ako nakita ko sya tumatakbo/nagmamadali papunta sakin at bigla naman ako nagmadali sumakay kahit masikip na sa jeep. Hahaha.  As in isa nalang ung kasya eh mabagal yung jeep kaya sasakay dapat sya un nga lang di na sya kasaya pagsakay nya sa jeep: 

Jean: Bakit mo ko iniwan?? Wala akong pamasahe !!! *pasigaw 
sabay  baba ng jeep and naglakad papunta sakayan ng trike*

MGA tao sa jeep: Pinagtinginan kami.

Me: Kuya wait lang po bababa po ako.

Syempre sinundan ko sya. Paglagpas ng jeep samen na nasakyan ko sumesenyas yung mga tao sa jeep na nasa likod daw ako. Kaya ayon nagtalo kami don pataasan ng boses hanggang sa nasabi ko na na :

Me: Wag kang gumawa ng eksena dito. Nakakahiya !
Jean: Tara na sa bahay! Sabi mo sabay tayo uuwi!
Me: Ayoko nga sa inyo! Gusto kong umuwi samen ! Masakit puson ko!
Jean: Sasama ko sayo!
Me: Deh sumama ka!

Hanggang sa jeep di ko sya kinakausap. Tapos nung pagbaba namin ng jeep nagpasama sya sa BPI Plaridel para mag-withdraw.  Habang naglalakad kami papunta don bigla ko nalang naisip ung nangyari kanina.

Me: *tumatawa* Nakakahiya ka! Grabe ka! Sumakay ka sa jeep para lang ipagkalat na wala kang pamasahe!
Jean: Hahahaha. Oo nga naisip ko din bigla kanina. May i.t ba don? Baka kilala nila ko nakakahiya! Hahaha
Me: Oo meron*Kahit wala naman talaga*
Jean: Napababa naman kita ng jeep! Dahilan ko lang naman yun! 
Me: Kahit na! Nakakahiya ka naman! Sabi siguro nung mga yun ang gwapong lalaki walang pamasahe!

At para mawala na yung inis ko pinaghahampas ko sya kinurot-kurot at sinuntok! Hahaha. At least effective! Hanggang sa pag-uwi namin tawa pa din kami ng tawa kaya kinuwento ko ke Mhama at ayon tawa din ng tawa! Hahahaha.

Sa sobrang tuwa ko kinuwento ko din sa iba kong classmate. Eto nga o ni-blog ko pa! =))

Kanina nag-gm ako :

Me: Piliin mo  yung taong gumagawa ng sakripisyo makita o makausap ka lang. Di yung taong naaalala ka lang kapag wala sya makausap o lalandiin.
Jean: *Bigla nag-react sa GM ko* Tska yung sisigaw sa jeep kahit mapahiya makausap ka lang! Grabeeee!!!!
Me: Oo na ikaw na!!! Hahaha
Jean: Ganyan ka naman kinakahiya mo ko! :(
Me: Hahaha. Proud kaya ko sa kahihiyang ginawa mo! Db pinagkalat ko pa nga? =)))

Eh ayon! Ilang beses na nangyayari to. Nung minsan naman ako yung may kasalanan bigla ko lang sya napatawa kahit galit sya sakin. Tapos okay na kami! Minsan ang mga problema tinatawanan nalang pero syempre dapat pinaguusapan din para mas maayos! :)

I love you babe kong walang pamasahe! Hahahahaha. joke! 


March 30,2012







0 comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.

Powered by Blogger.
 

Popular Posts

Followers

Blogroll

 

© 2010 I'm a 90's Girl