Birthday ni PB! :)

Friday, April 6, 2012
This time wala naman na talagang surprise, plan na talaga namin na magkikita or i-celebrate ng maaga bday nya kasi for sure kako mahihirapan na ko mag-overnight sa ibang house.  At dahil walang ibang plan na magpapagulat ke Kevin, I suggested na maglagay kami ng cartolina sa labas ng house with greetings nga na "Happy Birthday Kiven!".


At dahil sa laging late messages medyo nagkaron ng di pagkakaintindihan na muntik nang mauwi sa di pagtuloy ng celebration.


Usapan kasi namin ni Krizia & Nei na magkitakita at susunduin ako sa bahay ng 1pm kaya lang biglang dumating sa bahay yung asawa ng Tito ko, nagpa-make-up sya & paayos ng hair kasi aattend sya ng recognition day ng anak nya na inaanak ko naman kasi may award. So 12pm nasa bahay sya na dapat sana sa oras na 'yon gumagayak na ko. Kaya tinext ko na si Nei na antayin muna yung text ko bago pumunta sa bahay. At dahil naiinip na sila pumunta na sya sa bahay at sa mga oras pala na nagtetext sya e gumagayak ako kaya di ko na napansin mga text kasi nagmamadali na din kasi ko. At pagbasa ko ng mga text nya na andon na sya sa labas pumunta na ko agad halos di na ko nakapagayos pagdating ko sa labas wala naman sya dun. Yun pala nakaalis na at may text pala sya sakin na umalis na daw sya at sumunod nalang daw ako. Sa sobrang inis ko imbis na sumunod ako, umuwi nalang ako sa bahay at natulog. Nagpalipas ng inis. Bago ko matulog sinabihan ko mga tao sa bahay na pag may naghanap sakin sabihin na pumasok ako sa school. At saktong paggising ko may kumakatok sa pinto yun nga sila ni Nei & Icha hinahanap ako, sinabi ni Ate Elsie na pumasok nga daw ako blah blah . . . Syempre umalis na sila. Pag-alis nila saka ko gumayak nagdalawang isip talaga ko kung pupunta pa ko kung di ko lang mahal si Kevin e! :)) 


At dahil di nga ako nakasama sa pamimili nila, bumili nalang sila ng palabok at chicken na i-ffry nalang. Na dapat sana e mag-iihaw ihaw kami. Pagdating ko kila Nei tawa lang kami ng tawanan at pinagmumura sila sa inis. Hahaha. Inaayos nila yung banner na ilalagay sa may gate nung dumating ako. At sinabi ko nga sa kanila na andon lang talaga ko sa bahay.! Hahahaha.









As always! Ako naka-assign sa pagluluto! :))




Picture lang ng picture habang wala pa sya! :))

Si Alice Bungisngis! Hahahaha



1: May binili silang powder na i-marinate lang for minutes then pede na i-fry. = Mejo di pasodo yun lasa kaya nag-iba kami ng timpla.
2:  Specialty ni Tita. Tinawagan ko pa si Tita para dito, pero di ko makuha yung timpla nya. = Mas walang lasa kaya nagpalit kami ulit ng timpla.
3: Same lang halos nung 2, kaya lang nung ni-fry may egg and cornstarch. = Wala pa din lasa pero pinagtyagaan na.

Hahaha, halos magkadurog-durog na yung chicken sa kakapakulo. Ewan ko ba di ko talaga makuha yung timpla ni Tita,and isa pa ayaw na ayaw kong nagpprito! Mas gusto ko pang nagluluto ng caldereta, kare-kare sinigang etc.


At duamting na ang bida! :))


BFFs! <3


At dahil birthday nya, nagpa-picture kami without him! Hahahaha.


Solo mo! :))



Mejo nagrereklamo na "wala daw bang cake".
Sabi nga namin na 3 layers ang cake nya.
Ako and Nei ang kumuha, bago kami lumabas . . .

Me: Ang bigat please pabukas naman ng pinto.

Yung way ng pagbubuhat namin akala mong bigat na bigat talaga kami. Hahahaha.
Sobra sa tuwa naman sya! :))



Chos lang na 18! Pero 21 na sya. :)


Happy Birthdaaaay!


Sorry wala ka Icha! =P


Precious & Krizia.


After namin mag-dinner chikahan lang muna ng ilang oras saka kami nagstart uminom. And yung picture na 'to may kausap kaming lasing ni Kevin. :)) Di kasi talaga umiinom si Nei , eh ginusto nya uminom that night e. Di na namin pinigilan and nasa bahay lang naman nila kami kaya okay lang :)


With iyakin pag lasing! :))


Sayang umuwi na kasi agad si Precious! Wala tuloy sya sa mga pictures :|




US sooo vain! After uminom ligpit ligpit lang and eto at webcam naman napagtripan! :))
Yung ibang pose kaya ganyan kasi may mga signature pose kaming ginagaya. Hahahahahha. ;))



Hindi man naging ganon ka kabongga ang celebration ngaun ng birthday mo pero alam mo at alam naming napasaya ka naman namin sa mga simpleng effort na ginawa namin! =))

I love youuu Kiven! Sagad! :*

0 comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.

Powered by Blogger.
 

Popular Posts

Followers

Blogroll

 

© 2010 I'm a 90's Girl